GLOC 9 - PANULAT MO | karaoke VERSION
★★★★★
Mabuti naman dumaan
ka't bumisita
Palagi kitang
hinihintay sa tuwina
Buong akala koy
nakalimutan mo na
Ang humawak at sumulat
paggamit ng pluma
Ang Mahalaga ikaw ay nag balik
Parang tuyong pisnging
uhaw na uhaw sa halik
Ng tinta sa papel
na dumidikit
Simulan natin ang mga
mata moy ipikit
Pintahan mo naman ako
Kwentuhan ng panulat mo
Kay tagal nang di nadinig
Salitang tumatagos sa dibdib
Pumasok sa silid na puno
ng agiw sumasabay sa saliw
Ng lumang tugtugin
kaya marahil
Patutulisin ang panulat
parang pangil
Tumatahol nauulol
Pinupukol bukol bukol
Magmimintis sumasapol
Maaga pa'y mag hahabol
Pintahan mo naman ako
Kwentuhan ng panulat mo
Kay tagal nang di nadinig
Salitang tumatagos sa dibdib
Akala ko noon ay sapat na
lahat ng binigay
lahat ng pinusta
Lahat ng inabot
lahat ng kinanta
Minsay nag lulustay
madalas nag sasalba
Kasi alam ko na
hindi naman ito tate
Pag di ka nag sube
iiyak kang uuwi
Madalas mali ang tama
at ang tama ay mali
Kung di mo parin nakuha p
akinggan nalang uli
(pakinggan sa tulay)
Muli mong hawakan
sa bewang ng lapis
Gumuhit ng letrang
di kulang o labis
Umagos na oras tuyo
na ang batis
Na nilusungan ko
Halika hawakan mo
ang aking kamay
Ikaw na kasama ko
nung akoy sumasakay
Sa likod ng jeep
Nakasabit na ngalay
At kahit masikip mag
pipilit makasabay
Makauwi ng maaga
Matuyo ang labada
Matagal pa ang sahod baon
mag kasya pa sana
Kahit wala pa sa gera
Nag iipon na ng bala
Ang mga kuwento na ito
Alas ng mga baraha
sa bagong kabanata
Pintahan mo naman ako
Kwentuhan ng panulat mo
Kay tagal nang di nadinig
Salitang tumatagos sa dibdib
No comments:
Post a Comment