Dionela - Akala | KARAOKE
Nanlalamig, hinihintay na bumalik
Pangakong tinangay ng hangin
Nagtataka, ba't lumisan
ka na lang bigla
Na para bang walang nangyari?
Minahal ngunit kunyari
Nangakong habang-buhay
kang kasama
Oh, bakit hanggang dulo'y
'di sumama?
Akala ko ay tayo na,
umaasang wala nang luluha pa
sa 'ting dalawa
Inakalang ikaw ang sagot
sa dalangin, oh,
ba't ngayo'y wala ka na?
Akala ko'y hindi na mawawalay pa
sa isa't isa
Akala lang pala
'Di umiimik, luha'y tago
sa 'king mga ngiti
Puso'y pangalan mo ang sinasabi
Kay hirap tanggapin,
ako'y bigo sa 'king mga hiling
Nakatadhanang 'di ka para sa akin
Mga bulong ng pusong sinungaling
Nangakong habang-buhay
kang kasama
Oh, bakit hanggang dulo'y
'di sumama?
Akala ko ay tayo na,
umaasang wala nang luluha pa
sa 'ting dalawa
Inakalang ikaw
ang sagot sa dalangin,
bakit ngayo'y wala ka na?
Akala ko'y hindi na mawawalay pa
sa isa't isa
Akala lang pala
Akala lang pala
No comments:
Post a Comment